Saturday, December 4, 2010

     Inakusahan ng isang senior statesman ng Simbahang Katoliko si Santa Claus ng pagnanakaw ng            tunay na diwa ng Pasko, na aniya’y naging shopping frenzy.
     Sinasabi sa komentong inilathala sa website ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) kahapon, sinabi ni retired Bishop Teodoro Bacani, sobra ang “appeal” ni Santa Claus bansa.
    “Santa Claus helps promote consumerism because he is the symbol of shopping and gift-giving. Christ symbolizes the sacrifice of life for man. But Santa has more commercial draw,” pahayag ni Bacani.
     Dagdag pa ni Bacani, ang mga istatwa at imahe ni Santa Claus ay naka-display sa prominenteng mga lugar sa bansa habang ang traditional Christian symbol na pagsilang ni Jesus ay unti-unti nang naglalaho.
     Dapat tandaan ng mga Filipino na ang Christmas ay upang ipagdiwang ang pagsilang ni Jesus.




                  “Let us keep Christ at Christmas. Let us project Christ at Christmas,”




    Opinyon:
      Sa aking opinyon, alam naman nating lahat na si Jesus Christ ang ipinagdidiwang natin tuwing araw nang pasko. Hindi naman masama na ilagay natin si Santa Claus sa paligid nang ating bahay, dahil kinatutuwaaan din ito nang mga bata, pero wag natin kalimutan ang larawan nang mahal natin si Jesus Christ, kasi ito ang nagbibigay diwa para maramdaman natin ang araw nang pasko. Si Jesus Christ din ang dahilan kung bakit tayo nagdiriwang nang pasko,wag natin siya kalimutan sa araw nang pasko.Wag natin baliwalain ang mahal nating si Kristo sa araw nang kanyang kapanganakan.


       Sang ayon ba kayo sa pahayag na ito?